Palasyo sa mga kritiko ng P20/kilo na bigas: 'Huwag pairalin ang crab mentality' (2025)

Abril 24, 2025 6:47pm GMT+08:00

SINULAT NI: GMA Integrated News

Bumuwelta ang Malacañang sa mga kritiko at pumupuna sa plano ng pamahalaan na magbenta ng P20 per kilo na bigas na sisimulan sa Visayas.

Sa press briefing nitong Huwebes, sinabi ni Palace Press Officer Undersecretary Atty. Claire Castro, na dapat suportahan ng iba pang opisyal ng pinuno ng gobyerno sa halip na punahin.

''Sana po sa mga lider, ang tunay na lider at ang tunay na Pilipino ay dapat sumusuporta sa kapuwa Pilipino lalung-lalo na sa pinuno ng bansa. Huwag sanang pairalin ang crab mentality at huwag maging anay sa lipunan. Magkaisa tayo para matupad ng Pangulo at ng pamahalaan ang mga aspirasyon para sa taumbayan,'' pahayag niya.

Matapos ihayag ni Agriculture Secretary Francisco Tiu Laurel Jr. ang planong pagbebenta ng P20 per kilo na bigas na sisimulan sa Visayas, pinuna ito ni Vice President Sara Duterte, na sinabing isa na namang uri ng panloloko sa mga Pilipino.

Iniugnay din ni Duterte sa halalan ang naturang plano ng DA para makakuha umano ng boto ang mga kandidato nito sa May elections.

Ayon kay Castro, matagal nang hangarin ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr., na maibaba sa P20 ang per kilo ng bigas. Kaya naman ipinagtataka niya kung bakit binabatikos ito ngayong maisasagawa na.

''Unang-una po, matagal na po nilang inisyu na mukhang hindi kakayanin ng Pangulo ang aspirasyon na magkaroon at mag-deliver ng bigas sa halagang bente pesos kada kilo. Ngayon po na unti-unting natutupad ang aspirasyon na ito ng Pangulo bakit muli na naman silang nagsasalita, nagiging negatibo?'' ani Castro.

Nitong Miyerkoles, sinabi ni Laurel na nais ni Marcos na maipatupad ang programa ng P20 per kilo ng bigas sa buong bansa pero uumpisahan ito sa Visayas.

Ipinaliwanag naman ni Castro na napiling simulan sa Visayas ang programa dahil mas maraming stocks o imbak na bigas sa naturang rehiyon, batay sa paliwanag ni Laurel.

Handa rin umano ang mga pinuno sa naturang rehiyon na magkaloob ng subsidiya para sa programa.

''Unang-una po, nasabi po sa atin ni Secretary Kiko Laurel na kaya po Visayas unang-una po, maraming stocks po ang NFA sa nasabing lugar at sila po ang naunang nagsabi ng pakikipag-cooperate sa Pangulo sa pagbibigay po ng subsidiya kaya po nauna po ang Visayas area, ito rin po ay pinatotohanan po ni Governor Gwen Garcia,'' ani Castro.

Tiniyak din ni Castro na maganda ang kalidad ng ibebentang bigas sa halagang P20 per kilo.

''Hindi porke't po mura ang bigas sasabihin na panghayop ang nasabing bigas. Liliwanagin lamang po natin, ang ibebentang bigas ay iyong bigas po na nabibili ngayon sa halagang 33 pesos. So, huwag po nating maliitin ang mga farmers natin dahil local farmers po manggagaling ang bigas na ito,'' giit ni Castro.

''Kapag po sinabi ninuman na ito ay panghayop na bigas ay minamaliit po natin ang mga farmers natin na nagbebenta po sa NFA, sa ating gobyerno,'' dagdag niya.

Wala rin umanong kinalaman sa naging pagbaba ng ratings ni Marcos sa survey ang gagawing pagbebenta ng P20 per kilo na bigas.

''Wala po. Dahil bago pa po nagkaroon kung anumang survey rating ang napapakita ngayon, noon pa po ito pinag-uusapan. Nakasama po ako minsan sa isang pribadong meeting para po dito, para ipatupad po ang bente pesos kada kilo na bigas,'' paliwanag ni Castro.

''Nauna pa po ito napag-usapan ng DA, ng NFA bago pa po lumabas ang mga survey ratings na iyan,'' dagdag niya. —mula kay Anna Felicia Bajo/FRJ, GMA Integrated News

Palasyo sa mga kritiko ng P20/kilo na bigas: 'Huwag pairalin ang crab mentality' (2025)
Top Articles
Latest Posts
Recommended Articles
Article information

Author: Greg O'Connell

Last Updated:

Views: 6207

Rating: 4.1 / 5 (42 voted)

Reviews: 89% of readers found this page helpful

Author information

Name: Greg O'Connell

Birthday: 1992-01-10

Address: Suite 517 2436 Jefferey Pass, Shanitaside, UT 27519

Phone: +2614651609714

Job: Education Developer

Hobby: Cooking, Gambling, Pottery, Shooting, Baseball, Singing, Snowboarding

Introduction: My name is Greg O'Connell, I am a delightful, colorful, talented, kind, lively, modern, tender person who loves writing and wants to share my knowledge and understanding with you.